Huli

Nagbebenta ng boga, arestado

Edd Reyes May 23, 2025
287 Views

Huli1TIKLO ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng grupong sangkot sa pagbebenta ng baril sa entrapment ng mga pulis noong Huwebes sa Caloocan City.

Pinosasan ng mga pulis sina alyas Hunasan, 34; at Ate, 41, ng tanggapin ang P2,500 na markadong salapi sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala.

Sa ulat ni NPD Public Information Office (PIO) chief P/Lt Marcelina Pino, alas-9:00 ng gabi nang makipag-transaksiyon ang isang intelligence officer sa dalawa sa Brgy. 176, Bagong Silang na nagkunwaring bibilhin ang binebentang revolver.

Si alyas Hunasan ang nag-abot ng ibinentang armas habang si alyas Ate ang tumanggap ng markadong salapi.

Nakatakdang iprisinta ng mga pulis ang dalawa sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings kaugnay sa kakaharapin nilang kasong paglabag sa RA 1059 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act).