Calendar

May dadating pang ibang arrest warrants mula The Hague
MAPAGPALANG araw sa lahat ng ating mga tagasubaybay lalo na sa Japan, Saudi Arabia at Oman.
Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki , La Dy Pinky, Patricia Coronel, Tata Yap Yamazaki, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joan de Guzman at mga kasama niya sa Oman. Kina Malou Santos, at Aileen Samaniego ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan. (Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
***
Napapangiti na lang tayo kapag tinatawag na isang “weak” na leader si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Napagkakamalan nilang isang kahinaan ang pagiging likas na maawain, mabait, mabuti at pasensyoso ni Pangulong Marcos.
Hindi siya madaling magalit. Mahaba ang pasensiya niya kumpara sa marami nating kababayan.
Pero sa tingin natin ay nagbago lahat ang paningin nila kay Apo Bongbong nang maaresto si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Lalo na nang maisuko na ni Maj. Gen.Nicolas Torre sa mga otoridad ng Inrernational Criminal Court (ICC) sa The Hague.
Masusubukan muli ang tapang ni Pangulong Marcos kapag dumating na ang ibang warrants of arrest mula sa The Hague.
May mga ulat kasi na may mga susunod pang aarestuhing kababayan natin na kinasuhan ng crimes against humanity sa ICC.
Sa mga basher ni Pang. Marcos, tumahimik na kayo at hintayin na lang natin ang resulta ng gumugulong na hustisya sa bansa at sa ICC.
‘Yan ang tama nating gawin!
***
Kung may mga lingkod-bayan na “super busy” halos round-the-clock araw-araw ay kabilang na dito ang mga taga-Bureau of Customs (BOC).
Ito ay sa dami ng shipments na dumarating sa iba’t bang ports of entry sa buong bansa.
Lalo na sa major ports of entry na kagaya ng Manila International Container Port, Port of Manila, BOC-Ninoy Aquino International Airport, Port of Batangas, Port of Subic, Port of Clark at Port of Cebu.
Biruin mo na lang ang perhuwisyo sa tao at bayan kung hindi mainspeksyong mabuti ang mga shipment.
Ang iba nga ay may mga lamang droga, baril at iba pang iligal na bagay na makakasama sa kalusugan.
Hindi biro ang trabaho ng mga taga-BOC, lalo na ang mga nakatoka sa inspeksyon ng mga shipment.
Kaya kailangan din natin na ituloy ang modernization program ng nasabing ahensiya. Kailangang makabili ng mga makabagong kagamitan para mabusising mabuti ang laman ng lahat ng shipments.
Natutuwa naman tayo na buong suporta ang ibinibigay ng mga mambabatas natin sa BOC.