Tulfo1

May pananagutan sa bumagsak na Cabagan-Sta Maria na tulay ikulong — Cong. Tulfo

17 Views

MALINAW pa sa sikat ng araw na tinipid ang pagkakagawa ng bumagsak na Cabagan-Sta Maria Bridge sa Isabela para may kumita ng limpak-limpak na salapi!”

Ito ang naging reaksyon ni ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo sa isang panayam.

Ayon kay Cong. Tulfo, may nakikita siyang korapsyon sa nangyari sa tulay na bumagsak noong Pebrero 27.

Sinabi ni Cong. Tulfo, “Bakit ka gagawa ng tulay sa probinsya na para sa light vehicles lang? It does not make sense!”.

Tanong pa ni Cong. Tulfo “Kung mali ang design, bakit nakalusot sa mga engineers ng DPWH (Department of Public Works and Highways)?”

Nais ni Cong.Tulfo na “Ikulong ang mga may pananagutan sa pagkasira ng nasabing tulay para magtanda at hindi na pamarisan,”.

Aniya, “Mantakin mo, higit P1 bilyon na pera ng bayan ang nasayang lang…tinipid ang pagkagawa niyan para malaki ang kickback ng mga korap at kawatan.”

Sabi na niya, “Ang nakakainis pa rito, mali na pala ang disenyo e, bakit hindi ipinahinto ng DPWH sa kontraktor ang paggawa ng tulay?”.