Lacuna

Maynila bibigyan ng trabaho PWDs, seniors

Edd Reyes Aug 17, 2024
81 Views

LUMAGDA sa kasunduan sina Manila Mayor Honey Lacuna, Popeyes at Khao Khai Thai Chicken na magbibigay daan sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) para tanggapin sa mga sangay ng naturang mga food chains sa lungsod.

“This initiative is a testament to the power of corporate social responsibility. I applaud Popeyes and Khao Khai Thai Chicken for stepping up to provide meaningful employment opportunities to our seniors and PWDs,” pahayag ni Mayor Lacuna.

Sa ilalim ng kasunduan, lahat ng sangay ng Popeye sa Maynila tatanggap ng mga aplikante seniors na (60-years-old pataas) at PWDs.

Nangako rin ang Khao Khai Thai Chicken na tatanggap ng dalawang seniors at isang PWD sa kanilang sangay sa SM Manila.

Aakuin ng Maynila ang mga bayarin sa medikal, kabilang, ang patunay na may kakayahan silang magtrabaho maging ang kanilang physical exams at laboratory tests na magiging magaan at madali ang proseso sa kwalipikadong aplikante.

“The Manila PESO is ready to facilitate these, and we’ve got everything covered,” pagtiyak pa ng alkalde.

Nakasaad sa kasunduan na hindi na pagbabayarin ng saan mang Manila Police precinct ang mga seniors at PWDs na kukuha ng police clearance at uunahin din sila sa pila.

Apat na oras ang itatagal sa pagtatrabaho ng mga seniors habang walong oras naman sa mga PWDs na magsisilbing presenters, drink servers, table managers at guest relations staff. Tatanggap sila ng 13th month pay, service incentive leave at mapapabilang sa group insurance ng kompanya.

Bago sumalang sa trabaho, isasailalim muna sila sa pagsasanay upang matiyak na handa sila sa gagampanang tungkulin.

“These partnerships are steps forward in making Manila a city that cares for all its citizens, ensuring that no one is left behind,” sabi ng alkalde.