Calendar
Mayor Along pinangunahan pagtitipon ng mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan
PINANGUNAHAN ni Mayor Along Malapitan ang pagtitipon-tipon ng mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, mga kawani ng barangay, at mga ahensyang katuwang ng lungsod sa kahandaan, kaligtasan, seguridad, at kapayapaan.
Ang pagtitipon ay bahagi na rin ng mga paghahanda para sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon, gayundin ang paghahanda sa mga posibleng kalamidad, at sakuna.
Mahigpit ang direktiba ni Mayor Along sa mga opisyal ng barangay na aksyunan ang mga nakahambalang na sagabal sa mga kalsada para mabilis na makaresponde ang mga emegency vehicle sa oras ng sakuna.
Nakiusap din ang alkalde sa pulisya na mahigpit na ipatupad ang mga ordinansa para sa kaligtasan at katahimikan lalo’t inaasahan na ang kabi-kabilang mga aktibidad para sa Kapaskuhan.
Una rito, nagpasalamat ang alkalde sa mga frontliner na nagtulong-tulong para maging ligtas at payapa ang nagdaang Undas.

