Belmonte

Mayor Belmonte tutulungan siklistang kinasahan ng baril ng dating pulis

Mar Rodriguez Aug 29, 2023
168 Views

HINIMOK ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang siklista na kinasahan ng baril ng dating pulis na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng lungsod para makapagsampa ng kaukulang kaso.

Ginawa ni Mayor Belmonte ang pahayag sa gitna ng balita na nagka-ayos na ang siklista at ang pulis.

“We are appealing to the complainant to come forward so that Willy Gonzalez, whom I consider a menace to society, is held accountable. We want to assure the cyclist that we will extend legal assistance, as well as put him and his family in our protection, so that justice is served. I will not allow this case to be whitewashed. Maaaring natatakot ang biktima na humarap dahil ang nakatapat niya ay taga-gobyerno. Nais nating bigyang-diin na walang puwang ang karahasan sa ating lungsod,” sabi ni Mayor Belmonte.

Inatasan din ni Belmonte ang QC People’s Law Enforcement Board (PLEB) na imbestigahan kung papaano hinawakan ng Quezon City Police District ang kaso at nagpahayag ng pagkadismaya dahil napakabilis umanong nauwi sa amicable settlement ang kaso.

Nag-viral ang video sa social media kung saan makikita ang dating pulis na sinaktan ang siklista na nakasagi sa kanyang sasakyan na nasa bike lane.

“This culture of impunity is not acceptable in QC and I have a duty and responsibility to maintain peace and order in our city and to send a strong message that acts such as those committed shall not be tolerated and that he must be held accountable,” dagdag pa ni Belmonte.

Ang lungsod ng Quezon ay mayroong ordinansa—ang City Ordinance SP-2988 S-2020 o ang Ordinance promoting Safe Cycling and Active Transport na nagpapataw ng parusa sa mga motorista na humaharang sa bicycle lane o walking path.

Ipinagbabawalan din umano ang mga motorsita na harangan ang bicycle lane sa ilalim ng Section 8.2.2 ng City Ordinance SP-2636 S-2017 o ang QC Road Safety Code.

“We would like to reassure the cycling community and all our citizens for that matter that the city is willing to exhaust all means to demonstrate to them that we will act in their interest and in the pursuit of justice,” dagdag pa ng punong-lungsod.