Lacuna

Mayor Honey: Hahantong tayo sa mas mapagmahal na Maynila

Edd Reyes Sep 28, 2024
102 Views

IPRINOKLAMA na noong Biyernes sina Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto bilang panlaban ng Asenso Manileño sa pagka-mayor at vice mayor sa Mayo 2025.

Idineklara rin ang mga lalaban para sa pagka congressman sa anim na distrito ng lungsod sa San Andres Sports Complex sa Malate.

Kabilang sa mga tatakbong kinatawan sina dating Congressman Manny Lopez at mga kasalukuyang mambabatas na sina Congressmen Rolando Valeriano ng Ikalawang Distrito, Joel Chua ng Ikatlong Distrito, Edward Maceda ng Ika-apat na Distrito, Irwin Tieng ng Ika-anim na Distrito at Benny Abante ng 6th District.

Sa kanyang talumpati matapos tanggapin ang muling pagtakbo bilang alkalde, binigyang-diin ni Mayor Lacuna ang kanyang pananaw sa “Maringal na Maynila.”

“Ang mukha ng Maynila ngayon dahil sa mga kontribusyon ng bawat isa sa inyo sa pagpapaunlad ng ating siyudad at buhay ng mga mamamayan nito,“ pahayag pa ng alkalde.

Bilang pinuno ng kanilang partido, ito ang naging pahayag ng alkalde.

“Oo, mahaba ang ating landas, ngunit sama-sama nating tatawirin ito. Oo, mas mahirap ang ating landas, ngunit hahantong ito sa isang mas mapagmahal na Maynila,” sabi Lacuna.