Calendar
Mayor Honey may P.5M incentive kay EJ Obiena
BINIGYAN ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan P500,000 incentive si Ernest John “EJ” Obiena, ang pole vaulter na nagtapos sa 4th place sa 2024 Paris Olympics, noong Miyerkules.
Ayon sa alkalde, parangal at pasasalamat ng Maynila ang cash incentive kay Obiena. Sa Lunes ipagkakaloob ng alkalde kay Carlos Yulo, double gold medalist sa Olympics, ang pangakong P2 milyon.
Schoolmate ng mayor si Obiena sa University of Sto Tomas.
“We congratulate Ernest John Obiena on his best Olympics finish so far in his still young athletics career. The 4th place finish was his best effort at that high-pressure moment.
Our Manileño pole vaulter from Tondo and fellow Thomasian is proudly and joyfully welcomed in the country’s capital now that he is back home with his family, friends and neighbors,” dagdag pa ng alkalde.
Ayon pa kay Mayor Lacuna, hindi nakadalo si Obiena sa ginanap na Hero’s Parade sa mga lumahok sa Paris Olympic dahil kinakailangan na niyang tumulak paalis ng bansa Miyerkules ng gabi upang muling sumabak sa kompetisyon.
Pinuri rin ng alkalde si Obiena dahil sa kanyang pagiging maginoo sa laban lalu na nang kanyang kilalanin ang bagong record holder ng Olympic na si Armand Duplantis ng Sweden sa naturang event.