sara

Mayor Inday gustong sumabak sa frontline ng laban kontra COVID-19

203 Views

NAIS ni vice presidential candidate Sara Duterte na gamitin ang kanyang nalalaman sa medisina at sumabak sa frontline ng laban kontra COVID-19.

Sinabi ni Duterte na isa sa kanyang frustration bilang isang healthcare worker ay ang sumabak sa frontline ng laban.

“It was so frustrating for me as a healthcare – background ko, allied medical professional background ko, it was so frustrating for me na ‘yung wala ako doon sa frontlines,” sabi ni Duterte.

Si Duterte ay isang respiratory therapy graduate.

Sa kasagsagan ng pandemya, sinabi ni Duterte na naisip nitong ipagpatuloy ang kanyang medical degree pero wala umanong naghimok sa kanya na ituloy ito.

“Because at the point when I was waiting for the results of the bar, I was already thinking of going back to medical school. But hindi ako inencourage ng family members ko,” dagdag pa ng Davao City mayor.

Upang magamit ang kanyang nalalaman sa medisina, nag-volunteer si Duterte sa Davao del Norte Regional Medical Center.

“What I did was volunteer as respiratory therapist. Doon na ako nag-volunteer sa kapitbahay namin, hindi sa Davao City because if I volunteer in Davao City, in hospitals in Davao City then they will always see me as the mayor,” dagdag pa ni Duterte.

Hindi na niya ito naipagpatuloy matapos siyang tumakbo sa pagkabise presidente.