Calendar
Mayor Inday nagpasalamat sa batas na magtatayo ng MDDA
NAGPASALAMAT si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagsasabatas ng panukala na magtatayo ng Metropolitan Davao Development Authority (MDDA) na magdadala ng kaunlaran sa Davao region.
Pinuri ni Duterte si Davao City Rep. Isidro Ungab na siyang nagtulak sa panukala sa Kamara de Representantes at kay Sen. Francis Tolentino na nagsulong nito sa Senado.
Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11708 o ang “An Act Creating Metropolitan Davao Development Authority.”
Sa ilalim ng panukala babalangkas ng isang maayos na plano upang magkatugma-tugma ang mga programa at proyekto ng mga lugar na sakop ng MDDA.
Ang MMDA ay binubuo ng Davao City, at mga siyudad ng Panabo, Tagum, at Samal sa Davao del Norte; Digos sa Davao del Sur; Mati sa Davao Oriental; at mga munisipalidad ng Sta. Cruz, Hagonoy, Padada, Malalag at Sulop sa Davao del Sur; Carmen sa Davao del Norte; Maco sa Davao de Oro; at Malita at Sta. Maria sa Davao Occidental.