Mayor Sara ikinatuwa pagbasura sa DQ cases ni BBM

245 Views

IKINATUWA ni Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) First Division na ibasura ang tatlong disqualification case na isinampa laban sa kanyang running mate na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Duterte magtutuloy-tuloy na ang pangangampanya niya at ni Marcos para sa nalalapit na May 9, 2022 elections.

“Of course this is a welcome development for the UniTeam at makikita po natin na tuloy-tuloy na iyung kanyang (Marcos) kandidatura and tuloy-tuloy na rin iyung aming pangangampanya para sa halalang 2022,” sabi ni Duterte.

Nauna ng sinabi ng alkalde na hindi nito inaanyayahan ang posibilidad na papalitan nito si Marcos at hindi umano nito nakikita na madidiskuwalipika ang kanyang running mate.

Sinabi rin ni Duterte na tumakbo ito bilang bise presidente ni Marcos dahil tiwala siya sa kakayanan nito.