Yummy otoko losyang na
Apr 1, 2025
Liempo, pork cubes ipinuslit ng 2 suspek, tiklo
Apr 1, 2025
DOTr: Dagdag pasahe sa LRT-1 aprubado na noon pa
Apr 1, 2025
Calendar

Nation
Mayor Sara nagpasalamat sa pagtanggap sa mensahe ng pagkakaisa
Ryan Ponce Pacpaco
May 10, 2022
253
Views
NAGPASALAMAT si vice presidential frontrunner Sara Duterte sa mga sumusuporta sa kanya at nakinig sa mensahe ng pagkakaisa ng UniTeam.
Ginawa ni Duterte ang pahayag habang nagpapatuloy ang unofficial count ng eleksyon kung saan nakapagtala na ito ng mahigit 31 milyon.
“Maraming Salamat sa pagtanggap ninyo ng kilusan ng pagkakaisa na handog ni Bongbong Marcos. Ang UniTeam ay magiging simbolo ng mga magigiting, masisipag, at nagkakaisang Pilipino,” sabi ni Duterte.
Nagpasalamat din si Duterte sa mga naniwala at nagtiwala sa kanyang desisyon na tumakbo sa pagkabise presidente.
Malaki man ang kalamangan, sinabi ni Duterte na magpapatuloy ang pagbabantay sa mga boto hanggang sa maiproklama ang mga nanalo.
DOTr: Dagdag pasahe sa LRT-1 aprubado na noon pa
Apr 1, 2025
Gun owners dapat responsable, coo — PNP
Apr 1, 2025