Calendar
Atty. Vic Rodriguez
Nation
BBM spokesman nagbabala, FB account ginagamit sa paghingi ng pera
Tess Lapuz Lardizabal
May 11, 2022
670
Views
NAGBABALA si Atty. Vic Rodriguez, ang spokesman at chief of staff ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng paggamit umano sa kanyang Facebook account sa mga iligal na gawain.
Ayon kay Rodriguez walang otorisado na gamitin ang kanyang FB account para humingi ng pera.
“Aming pinaaalalahanan na ang aking FB account ay ginagamit lamang para magbigay ng mga impormasyon at pahayag na may kinalaman sa aking trabaho bilang Chief of Staff at tagapagsalita ni Presidential frontrunner,” sabi ni Rodriguez.
Nanawagan din si Rodriguez sa publiko ma “Maging matalino’t mapanuri upang hindi basta maloko ng sinuman.” Ni TESS LAPUZ-LARDIZABAL
5 nominee para pumalit kay Gesmundo inilabas ng JBC
Oct 29, 2026

