defensor Mayoralty Candidate at Cong. Mike Defensor binasbasan ni spiritual leader Mike Velarde

QC mayoral bet, Cong. Mike Defensor binasbasan ni spiritual leader Mike Velarde

Mar Rodriguez Mar 2, 2022
306 Views

NAHAHARAP ngayon sa isang napakabigat na pakikihamok si AnakKalusugan Party List Representative at mayoal candidate Michael “Mike” T. Defensor laban sa incumbent Mayor ng Quezon City na si Josefina “Joy” Belmonte.

Ito ay kaugnay sa paglalabang trono bilang susunod na Alkalde ng Lunsod Quezon (mayroong 2.936 milyong papulasyon mula 2015) para sa darating na May 9 national at local elections. Kung saan, kapwa kandidato para sa nasabing puwesto sina sina Defensor at Belmonte.

Dahil sa mabigat na laban na sinuong ni Defensor para pamunuan ang QC bilang Mayor, bumisita ang kongresista kay El Shaddai Spiritual Leader Bro. Mariano “Mike”  Velarde para hingin ang basbas nito para sa patnubay at pag-iingat ng Panginoong Diyos para sa kaniya.

Ang El Shaddai Charismatic Group ay binubuo ng walong milyong miyembro, hindi lamang sa bansa kundi maging sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang bawat kandidato sa nasyunal man o lokal na posisyon ay dumudulog kay Bro. Mike upang hingin ang basbas nito.

Naniniwala si Defensor na malaki ang maitutulong ng basbas o blessing ni Bro. Mike sa kaniya kabilang na ang mga panalangin nito upang mapagtagumpayan niya ang mabigat na laban na kaniyang kinakaharap ngayong panahon ng eleksiyon.

“Nagpapasalamat ako kay Bro. Mike dahil malaki ang maitutulong sa akin ng kaniyang blessing at mga panalangin. Para mapagtagumpayan natin ang ating laban dito sa Quezon City naniniwala ako na walang imposible sa Diyos basta’t manalig ka lang,” ayon kay Defensor.

Kumpiyansa si Defensor na isang malaking “factor” ang suporta ni Bro. Mike sa kaniyang kadidatura kabilang na ang iba pang mga kandidato sa ilalim ng “Malayang Quezon City” upang mapagtagumpayan nila ang kani-kanilang laban ngayong eleksiyon.

Lumabas kamakailan ang Pulso ng Bayan survey para pulsuhan ang mga taga QC kung sino ang kanilang pipiliin para maging susunod na Mayor ng Lunsod. Ang survey ay isinagawa ng “The Issues and Advocacy Center” noong nakalipas na Pebrero.

Sa nasabing survey, namamayagpag ang tandem nina Defensor at running mate nitong si QC Councilor Winston “Winnie” Castelo. Kontra naman kina Belmonte at ka-tandem nito na si Vice-Mayor Gian Sotto.

Umaalagwa ang papularidad nina Defensor at Castelo para sa mga residente ng QC. Matapos nilang humakot o tumabo ng 51% approval rating. Samantalang ang tándem naman ng kanilang mga karibal ay nakakuha lamang ng 39%.