Calendar
Mayoralty Candidate na si Cong. Mike Defensor at Coun. Winnie Castelo umaalagwa ang rating laban kina Mayor Joy Belmonte at Vice-Mayor Gian Sotto-Survey
NANANATILING umaalagwa ang napakalaking kalamangan nina AnakKalusugan Party List Rep. Michael “Mike” T. Defensor at Councilor Winston “Winnie” Castelo bilang mga kandidato sa pagka-Mayor at Vice-Mayor ng Quezon City kontra sa kanilang mga karibal para sa pinag-lalabanang mga puwesto.
Sa pamamagitan ng survey ng Pulso ng Bayan ngayong buwan ng Pebrero na isinagawa ng “The Issues and Advocacy Center”. Naungusan nina Defensor at Castelo ang kanilang mga karibal na sina incumbent QC Mayor Josefina “Joy” Belmonte at Vice-Mayor Gian Sotto ng 51%.
Kung ngayon gaganapin ang halalan, lumalabas sa nasabing survey na “kakain ng alikabok” ang Belmonte-Sotto tandem. Kumapara sa tambalan nina Defensor at Castelo na mas pinapaboran ng nakararaming residente ng Lungsod Quezon bilang susunod na Mayor at Vice-Mayor.
Bumaba ng limang puntos (5 points) ang rating ni Belmonte mula sa 39% rating nito noong nakalipas na buwan ng Enero. Habang napanaltili naman ni Defensor ang kanyang mataas na rating o 50% na ang ibig sabihin ay mayorya ng mga botante ang nasa kanyang panig.
Samantalang umaarangkada rin ang rating ni Castelo laban kay Vice-Mayor Gian Sotto. Kung saan, tumaas ng 49% ang rating nito. Habang si Sotto naman ay nakakuha lamang ng 21% na ang ibig sabihin ay tumaas ng 28% ang rating ni Castelo.
Pinasalamamatan naman nina Defensor at Castelo ang mga residente o botante ng QC dahil sa kanilang patuloy na suporta at pagtitiwala sa kanilang tambalan.
Iginiit ni Defensor na kung sakaling sila ay papalarin at mapapanatili ang kanilang mataas na rating hanggang sa sumapit ang araw ng halalan. Tutuparin umano nila ang kanilang magandang programa at plataporma para sa mga residente ng QC.
Naniniwala din ang kongresista (Defensor) na ang kanilang mataas na rating ay repleksiyon lamang ng naguumapaw na suporta ng mga taga Lungsod sa kanilang tambalan bilang mga kandidato o pambato ng “Malayang Quezon City”.
Ang mga kandidato naman ng “Malayang QC” para sa pagka-Kongresista ay humahakot din ng malaking kalamangan lban sa kanilang mga karibal mula sa iba’t-ibang Distrito.
Tumatabo ng 50% ang rating ni incumbent 1 Dist. QC Rep. Anthony Peter “Onyx” D. Crisologo mula sa karibal nitong artista na si Arjo Atayde na kumakandidato rin para sa pagka-Kongresista sa Distrito Uno na nakakuha lamang ng 21%. (Mar Rodriguez)