Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Mayorya ng Pinoy aprub sa performance ni Speaker Romualdez

161 Views

NAKARARAMING Pilipino ang aprub sa performance ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Nakakuha si Speaker Romualdez ng 51 porsyentong approval rating sa survey na ginawa mula Marso 15-19.

Ang approval rating ni Speaker Romualdez noong Marso ay mas mataas ng tatlong porsyento kumpara sa 48 porsyento na nakuha nito sa survey noong Nobyembre 2022.

Si Speaker Romualdez ay nakakuha naman ng 44 porsyentong trust rating.

Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay mabilis na naipasa ng Kamara ang 23 sa 31 panukala na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Karamihan sa mga ito ay hindi pa natatapos ng Senado.

Ang pagsasabatas ng naturang mga panukala ay magagamit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

Sa pinakahuling survey ay maganda rin ang ipinakita ni Pangulong Marcos Jr. na nakakuha ng 78 porsyentong approval rating bagamat bumaba ito ng apat na porsyento.

Ang approval rating naman ni Vice President Sara Duterte ay 83 porsyento na bumaba ng isang porsyento at si Senate President Juan Miguel Zubiri ay bumaba naman ng apat na porsyento at naging 51 porsyento.

Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ay nakakuha ng 43 porsyento, tumaas ng 16 porsyento.