Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Meralco may bawas-singil ngayong Abril

Arlene Rivera Apr 11, 2023
687 Views

MAGPAPATUPAD ang Manila Electric Company (Meralco) ng bawas-singil ngayong Abril.

Ayon sa Meralco bababa ng P0.1180 kada kiloWatt hour (kWh)ang singil nito o magiging P11.3168 kada kWh mula sa P11.4348 noong Marso.

Ang isang residential consumer na gumagamit ng 200 kWh kada buwan ay makatitikim umano ng P24 bawas sa buwanang bayarin nito.

Ang pagbaba ng singil ay dulot ng pagbaba ng generation charge na naging P7.3295 mula sa P7.3790 kada kWh.