Calendar
Mayorya ng Pinoy pabor sa pagbabalik ng ROTC—Pulse Asia
PABOR ang nakararaming Pilipino sa pagbabalik ng Reserved Officer Training Corps (ROTC) program para sa mga estudyante sa senior high school.
Sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Hunyo 24-27, 69 porsyento ang nagsabi na sila ay pabor sa pagbabalik ng mandatory ROTC program.
Ayon sa survey 71 porsyento ang pabor dito sa National Capital Region (NCR), 67 porsyento sa iba pang bahagi ng Luzon, 78 porsyento sa Visayas, at 64 porsyento sa Mindanao.
Pabor sa panukala ang 71 porsyento ng mga nasa Class ABC at D at 54 porsyento naman sa Class E.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. Si Sen. Sherwin Gatchalian ang nagkomisyon sa survey.
Ang pagbabalik ng ROTC ay isa sa mga panukalang batas na hiningi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kongreso.