Calendar
MC riders pinayuhan ukol sa tamang asal sa kalsada
ššššš”š cšµš®š¶šæšŗš®š» š»š“ šš¼ššš² šš¼šŗšŗš¶ššš²š² š¼š» š š²ššæš¼ š š®š»š¶š¹š® šš²šš²š¹š¼š½šŗš²š»š, pš¶š»š®š®š¹š®š¹š®šµš®š»š®š» š»š¶ š š®š»š¶š¹š® š®š»š± šš¶šš. šš¼š»š“. š„š¼š¹š®š»š±š¼ “šš„š©” š . š©š®š¹š²šæš¶š®š»š¼ š®š»š“ šŗš“š® šŗš¼šš¼šæš¶ššš® š½š®šæšš¶šøšš¹š®šæ š»š® š®š»š“ šŗš“š® š±š¶-ššŗš®š»š¼’š š®šÆššš®š±š¼ š®š š»š®š“šµš®šµš®šæš¶-šµš®šæš¶š®š»š“ šŗš¼šš¼šæš°šš°š¹š² šæš¶š±š²šæš š½š®ššš»š“šøš¼š¹ šš® š»š®šæš®šæš®š½š®š š»š® š®šš®š¹ š»š® šøš¶š»š®šøš®š¶š¹š®š»š“š®š» š»š¶š¹š®š»š“ š¶šøš¶š¹š¼š šµš®šÆš®š»š“ šš¶š¹š®’š š»š®šš® š¹š®š»šš®š»š“š®š».
Ang ibinigay na paalala ni Valeriano ay patungkol sa insidente ng pangbubugbog na ginawa ng isang MC rider laban sa may-edad ng traffick enforcer sa Alabang, Muntinlupa City na nagtamo ng mga pasa sa katawan nito.
Nauna rito, nag-viral ang video ng naturang rider habang kitang-kita kung papaano nito pagsisipain at pagsususuntukin ang traffick enforcer na sumita sa kaniya mtapos siyang paki-usapang huminton sa pedestrial lane para patawarin ang mga nagdadaang estudyante.
Dahil dito, binigyang diin ni Valeriano na kailangang ilagay ng ilang MC riders ang kanilang sarili sa dapat nilang kalagyan. Halimbawa aniya dito ang pagrespeto sa mga traffick enforcers na isang “person in authority” at ang tamang pag-uugali habang nasa lansangan sapagkat may mga Riders ang barumbadong magmaneho.
“Ang paalala natin sa mga Riders na hindi sila mga hari sa lansangan kaya dapat na ilagay nila ang kanilang sarili sa dapat nilang kalagyan. Marami na tayong naririnig na sumbong na masyado abusado at barumbadong magmanaho ang mga Riders na ito. Sana ay matuto silang rumespeto,” sabi ni Valeriano.