MDDA

MDDA suportado ni PBBM

200 Views

Nagpahayag ng suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos sa Metropolitan Davao Development Authority (MDDA) upang mapangasiwaan ang Metro Davao.

Isa ang MDDA sa napag-usapan sa situation briefing na dinaluhan ng Pangulo sa Davao City kasama ang regional director ng iba’t ibang ahensya.

Ang MDDA ay nalikha sa ilalim ng Republic Act 11708 o Metropolitan Davao Development Authority Act na naisabatas sa nakaraang administrasyon.

Kasama sa trabaho nito ang paglalatag ng development planning, transport management; solid waste disposal at management; flood control at sewerage management; urban renewal, zoning, land use planning at shelter services; at health, sanitation at public safety.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Davao regional director Maria Lourdes Lim ang MDDA ay kasalukuyang binabalangkas pa.

Sinabi ni Lim na inaprubahan na ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang pagsasagawa ng isang master plan para sa Metropolitan Davao.