Laguna Isang miyembro ng Laguna police ang ginawaran ng pagkilala sa Sta. Cruz, Laguna. GIL AMAN

Medalya ibinigay sa mga pulis-Laguna

Gil Aman Aug 12, 2025
285 Views

KAMPO HENERAL Paciano Rizal–Ginawaran ng medalya ng kagalingan ang ilang pulis sa kampong ito kamakailan.

Kasama sa pinarangalan sina P/Maj. Serafin Tuero Gapunan, PCpl John Kester, Leogo Capellan, PCpl Oishin Monataña Nonzares, PMSG Paul John Avanzado at PCpl Gerald Romero Canillas para sa pagganap sa iba’t-ibang operasyon ng kapulisan, kabilang ang matagumpay na imbestigasyon at pagpapatupad ng batas na nag-ambag sa kapayapaan at kaayusan sa Laguna.

Sinabi ni PLt. Col. Franco Alex Reglos ang mensahe ni PCol. Jonar Yupio, hepe ng Rizal police, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng kolaborasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya upang maiangat ang kalidad ng buhay.

Hinikayat ni Reglos ang mga pulis na lampasan ang inaasahan sa kanilang tungkulin.

Samantala, sinabi ni P/Lt. Col. Jojo Sabeniano, hepe ng PIO ng Laguna police, ang kahalagahan ng pagtutulungan kasama ang Provincial Information Office upang maihatid ang tama at napapanahong mga balita tungkol sa hanay ng kapulisan.

Bilang panauhing tagapagsalita, pinuri ni Provincial Information Officer (PIO) Head Danilo Lucas ang mga nagawa ng PNP Laguna at kinilala ang kolaborasyon sa pagitan ng PIO at ng kapulisan sa probinsya.