Medical mission

Medical mission para sa mga OFWs inilunsad ng OFW Party List Group

Mar Rodriguez Jul 19, 2023
238 Views

Medical mission Medical mission Medical missionPINANGUNAHAN ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang paglulunsad ng “medical mission” kaakibat ang Chinese General Hospital and Medical Center para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kabilang na ang kanilang pamilya para sa pagpapanatili ng maayos nilang kalusugan.

Nabatid kay Congresswoman Magsino na inilunsad ng OFW Party List Group ang medical mission na pinamagatang “Bida and Kalusugan” para sa mga OFWs at kanilang pamilya na ginanap sa OFW Center sa Ayala Malls, Manila Bay sa pakikipag-tulungan nila sa Chinese General Hospital.

Sinabi ni Magsino na nasa 600 OFWs kabilang na ang kani-kanilang pamilya sa mga nabibiyayaan o napagkalooban ng libreng gamutan katulad ng libreng medical check, libreng dental services, mga libreng gamot, libreng salamin sa mata at nagkaroon din ng medical services para sa mga bata.

Ipinaliwanag din ng kongresista na kalimitan ay isina-sangtabi o binabalewala ng mga OFWs partikular na ang mga dating Migrant Workers ang pagpapa-gamot bunsod narin ng kawalan ng sapat na pera para makapag-patingi sila sa doctor. Kung kaya’t kadalasan aniya ay mas lalong lumalala ang kanilang kondisyon.

Ayon kay Magsino, ang inilunsad nilang medical mission ay isa aniyang pamamaraan para maipakita nito sa libo-libong OFWs ang kanilang malasakit at “appreciation” sa lahat ng kanilang sakripisyo partikular na sa malaking tulong na naa-ambag ng mga OFW para mapalago ang ekonomiya ng Pilipinas.

“We are pleased to partner with Chinese General Hospital and Medical Center to provide much-needed medical assistance to OFWs and their families. This is a simple way of taking care of and giving back to our OFWs whose diligent work abroad not only benefit their families but also the economy,” Ayon kay Magsino.

Inihayag din ni Magsino na katuwang ng OFW Party List ang Chinese General Hospital and Medical Center para sa mga isasagawang medical mission sa iba’t-ibang lokalidad para sa kapakinabangan ng mga OFWs.