Buy-bust

Mekaniko nasilo sa buy-bust sa Cavite

Alfred Dalizon Jun 21, 2025
19 Views

MAHIGIT P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cavite Maritime Police Station sa isang buy-bust noong Biyernes.

Ayon sa ulat ng PDEA na pinamumunuan ni Director General Isagani R. Nerez, nahuli ang suspek na si alyas Geoffrey, 32, mekaniko sa Brgy. Salinas 1, Bacoor City dakong alas-11:50 ng hapon.

Nasamsam sa akusado ang humigit kumulang na 200 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P1.36 milyon at ang buy-bust money.

Kasalukuyang nakapiit sa PDEA Region 4-A lock up facility sa Sta. Rosa City, Laguna ang akusado na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).