Ipagpaliban muna badge rule sa online sellers
Oct 24, 2026
Calendar
Provincial
Mekanikong nagmomotor sumalpok sa nakaparadang sasakyan, tigok
Jojo Cesar Magsombol
Sep 5, 2026
186
Views

ANTIPOLO CITY–Patay noong Huwebes ang rider na mekaniko matapos sumalpok ang motorsiklo niya sa nakaparadang sasakyan sa Marcos Highway, Sitio Calumpang, Brgy. San Jose ng siyudad.
Kinilala ang biktima na si alyas Mari, ayon sa Antipolo City police.
Bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang mangyari ang aksidente habang pabalik na sa bahay ang biktima sakay ng Yamaha Mio Sporty (O9897V).
Base sa imbestigasyon, nakainom ang biktima at nawalan ng kontrol kaya sumalpok sa nakaparadang kotse sa gilid ng kalsada.
Tumalsik si Mari at humataw ang ulo sa kalsada.
Isinugod siya sa Cabading Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Jamee Leame Azarcon.
Pekeng pera nasamsam sa babae
Oct 24, 2026
Suspek sa KFR, illegal detention nasukol sa Isabela
Oct 23, 2026

