Philhealth

Membership data, kontribusyon hindi apektado sa ransomware—PhilHealth

170 Views

TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi naapektuhan ng ransomware attack ang database ng mga miyembro at kanilang kontribusyon.

Ayon kay PhilHealth executive vice president at COO Eli Santos ang naapektuhan ng Medusa ransomware attack ay ang workstation ng mga empleyado na nakabase sa Pasig City.

Naapektuhan umano ng pag-atake ang karamihan sa application server ng PhilHealth na ngayon ay inaayos na.

Nakaliwalay umano ang database server kaya hindi ito naapektuhan.

Nakumpormiso ang website ng PhilHealth, Health Care Institution (HCI) at member portal, at e-claims noong Setyembre 22 dahil sa ransomware attack.

Nasa 72 workstation umano ang nakumpormiso sa naturang pag-atake kaya nag-shutdown ang sistema ng PhilHealth.

Humihingi ang nasa likod ng pag-atake ng $300,000 o tinatayang P17 milyon kapalit umano ng mga ninakaw nilang impormasyon.

Iginiit naman ng PhilHealth na hindi ito magbabayad.