TDC

Mendoza ibinahagi pakinabang ng OTDC pati sa mga OFWs

Jun I Legaspi Jul 31, 2024
84 Views

SINIMULAN na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng online platform para sa Theoretical Driving Course (TDC) bilang bahagi ng digital shift na iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa lahat ng serbisyo ng gobyerno.

Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ang Online Theoretical Driving Course (OTDC) ay programa na idinisenyo upang mag-alok sa mga mag-aaral ng opsyon na gawin ang kinakailangang TDC sa pag-aaplay para sa driver’s license.
“This will provide a flexible and accessible learning experience which our Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista has been pusing under the Bagong Pilipinas,” saad ni Assec Mendoza.
“The implementation of OTDC heralds a significant shift that will allow individuals, specially professionals, and students, balancing work or academic commitment, the flexibility to pursue this course remotely, within the comfort of their homes, at their own pace, during their free time, at the office, or any locatlon that suits them,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Assec. Mendoza na ang programa ay kapaki-pakinabang din sa mga overseas Filipino workers.

Sa ilalim ng programa, ang mga aplikante ay magkakaroon ng opsyon na pumili ng online platform na magkokonekta sa kanila sa LTO-accredited driving schools na binibigyan ng permit para magsagawa ng online TDC.

Ang mga aplikante ay magpapalista sa kanilang sarili online sa pamamagitan ng pagsagot sa mga kinakailangang form at pagbabayad online.

Ang mga aplikante ay magkakaroon din ng responsibilidad na kumpletuhin ang programa ng TDC at pumasa sa kinakailangang pagsusulit para sa pagpapalabas ng sertipiko mula sa mga driving schools sa sandaling mag-apply ang mga aplikante para sa student permit.

Sinabi ni Assec Mendoza na ang LTO ay nagsasagawa na rin ng iba pang mga hakbang upang mapadali at maging scam-free ang lahat ng transaksyon sa ahensya.
“We are employing technology-aided solution to ensure that the person taking the course is indeed the driver’s license applicant,” saad ni Assec. Mendoza.
Sinabi ni Assec. Mendoza na inatasan na niya ang lahat ng tauhan ng LTO na i-maximize ang pagpapakalat ng impormasyon sa pagkakaroon ng OTDC sa pamamagitan ng paggamit ng social media.
“It is imperative that all applicants are made fully aware of this accredited online option, which is designed to enhançe the convenience and efficiency of obtaining a Student Drivers Permit,” saad ni Assec Mendoza.