Valeriano2

Committee on Metro Manila Development ikinagalak ang pagsasabatas ng motorcycle-for-hire

Mar Rodriguez Aug 2, 2024
41 Views

𝗕𝗔𝗚𝗔𝗠𝗔’𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿 𝗼 𝗺𝗮𝘆 𝗮𝗸𝗱𝗮 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗕𝗶𝗹𝗹 𝗡𝗼. 𝟭𝟬𝟰𝟮𝟰, s𝘂𝗯𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗶𝗸𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 “𝗺𝗼𝘁𝗼𝗿𝗰𝘆𝗰𝗹𝗲-𝗳𝗼𝗿-𝗵𝗶𝗿𝗲” 𝗼 𝗺𝗮𝘀 𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗱𝗶𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗼𝘁𝗼𝗿𝗰𝘆𝗰𝗹𝗲 𝘁𝗮𝘅𝗶.

Ayon kay Valeriano, napakahalaga ng pagsasabatas ng House Bill No. 10424 sapagkat nire-regulate nito ang mga motorcycle-for-taxi na kasalukuyang mode of transportation ng nakararaming commuters dahil sa abot kayang pamasahe nito.

Sabi pa ni Valeriano, sa pagkakapasa ng naturang panukalang batas, nais lamang siguruhin ng Kamara de Representantes na ligtas ang pagbibiyahe ng bawat pasahero na tumatagkilik ng motorcycle-for-hire o motorcycle taxi.

Sa ilalim ng HB No. 10424, dapat ay rehistrado ang bawat motorcycle-for-hire sa Land Transportation Office (LTO) upang matiyak ang tinatawag na road worthiness ng bawat motorcycle taxi.

Samantala, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inatasan ng panukalang batas na mag-regulate ng motorcycle-for-hire kung saan walang digital platform na magagamit para sa booking ng biyahe ng mga ito.