Meralco

Meralco hindi pwede magputol ng walang pasabi

Hector Lawas Jun 30, 2023
215 Views

HINDI umano maaaring basta na lamang magputol ng suplay ng kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) sa mga kustomer nito ng walang written notice.

Ayon sa desisyon ng Korte Suprema dapat ay ibigay ng Meralco ang notice 48 oras bago putulan ng suplay ng kuryente ang kustomer nito na hindi nakabayad.

Ang desisyon ng SC ay batay umano sa Section 4(a) ng Republic Act 7832 o ang Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994.

“The Court emphasized that the said prior written notice must be given at least 48 hours prior to the disconnection, pursuant to due process requirements,” ayon sa desisyon ng SC.

Ang desisyon ay nag-ugat sa inihaing kaso ng isang negosyante sa Valenzuela City na biglaan umanong pinutulan ng kuryente ng mga tauhan ng Meralco.