Metro Manila mayors pumayag walang kumpiskahan ng lisensya

180 Views

PUMAYAG ang mga mayor na miyembro ng Metro Manila Council (MMC) na suspendihin ang polisiya kaugnay ng pagkumpiskasa mga lisensya ng mga driver na lumabag sa batas trapiko.

Pero magbibigay pa rin ng traffic violation receipt sa mga lumabag na kanilang dapat na bayaran.

Ito ay hanggang sa matapos ng Land Transportation Office (LTO) ang panukalang single ticketing system na ipatutupad sa Metro Manila.

Sa pagpupulong ng MMC, ang governing body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pumayag ang mga alkalde na iugnay ang kani-kanilang kanilang database kaugnay ng mga huli.

Ang single ticketing system ay inaasahang matatapos sa unang quarter ng 2023.