17-anyos kulong sa 340k shabu

126 Views

ARESTADO sa buybust operation ang isang 17-anyos na lalaki na nakuhanan umano ng P340,000 halaga ng shabu sa Quezon City.

Isang poseur buyer na pulis ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Batasan Police Station (PS 6) ang nakabili umano ng P130,000 halaga ng shabu sa suspek alas-7:10 ng gabi noong Disyembre 8 sa Litex Road, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Narekober din sa kanya ang iba pang shabu.

Ang suspek ay dinala sa Quezon City Social Services Development Department.