9 kalaboso sa pagnanakaw ng kable ng telepono

106 Views

KALABOSO ang siyam katao na nagnakaw umano ng kable ng PLDT sa Quezon City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Honny Ford Abang, 28-anyos; Jesus Miguela, 36; James Pugal, 33; Alvin Quijano, 26; Jonas Benedict Isip, 40; Jomar Abinuman, 21; James Batulid, 40; Jonard Macua, 43; at Aldrian Vitto, 25.

Nagpapatrolya umano ang mga pulis sa North Avenue malapit sa VMMC Hospital, Brgy. Vasra, Quezon City nang makita nila ang mga suspek alas-4:30 ng umaga habang nagpuputol ng kable ng telepono.

Hinanapan ng mga pulis ng job order ang mga suspek pero wala umanong naipakitang dokumento ang mga ito.

Nagkakahalaga ng P105,935 umano ang halaga ng naputol na kable ng mga suspek. Nakumpiska sa kanila ang mga gamit na pamutol at isang Elf truck.