LTFRB

Libreng sakay sa EDSA Carousel 24 oras na

107 Views

HANGGANG Disyembre 31 ay libre na ang sakay sa EDSA Bus Carousel.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang tatakbo ang mga bus sa carousel ng 24 oras.

Batay sa LTFRB Board Resolution no. 174 at no. 176 s. 2022, nasa 100 Public Utility Buses (PUB) ang tatakbo sa EDSA Busway sa extended operational hours, mula 11:01 ng gabi hanggang 3:59 ng umaga.

Mula naman alas-4 ng umaga hanggang 11 ng gabi ay 650 PUB ang bibiyaheng bus mula Monumento station hanggang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Nagdesisyon ang LTFRB at Department of Transportation (DOTr) na palawigin ang operasyon ng libreng sakay bilang tugon sa inaasahang pagdami ng mga pasahero dahil sa extended mall hours ngayong Christmas season na mula 11 ng umaga hanggang 11 ng gabi.

Ang libreng sakay ay nasa ilalim ng Service Contracting Program ng DOTr at LTFRB.