MMDA

Mga ahensiya ng pamahalaan di makakaligtas sa paggisa ng Kamara kaugnay sa mga pagbaha sa Metro Manila -Valeriano

Mar Rodriguez Jul 27, 2024
81 Views

Cong Rolando๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ด c๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐— . ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด super typhoon ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฎ.

Binigyang diin ni Valeriano na seryoso at determinado ang mga kasamahan niyang kongresista na miyembro ng Committee on Metro Manila Development na busisiin ng husto kung sino ba talaga ang may pananagutan sa nangyaring pagbaha sa Metro Manila sa kasagsagan ng bagyong Carina.

Ayon kay Valeriano, napakahalagang malaman mismo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kabilang na ang mga opisyal sa Local Government Units (LGUs) tulad ng mga city mayors ang sitwasyon ng mga basura sa kanilang lugar.

Sabi ng kongresista, ang mga tambak na basura o mga hindi nakokolektang basura na itinatambak sa mga estero at ilog sa Kalakhang Maynila ang posibleng pinag-ugatan ng napakatinding pagbaha habang nanalanta ang bagyong Carina sa ilang bahagi ng bansa.

Dahil dito, ipinaliwanag pa ni Valeriano na ang isyung ito ang isa sa mga paksang tatalakayin ng kaniyang Komite sakaling gumulong na ang imbestigasyon sa Kamara de Representantes.

Ikinatuwiran pa ni Valeriano na hindi naman layunin ng kaniyang Komite na gisahin o paggalitan ang mga opisyal ng DENR at LGUs. Kundi ang magbalangkas ng mga plano upang hindi na maulit ang nasabing insidente.

Nauna nang ipinahayag ni Valeriano na”record breaking” ang rainfall o malakas na buhos ng ulan na dala ng bagyong Carina. Dapat aniya ay nakahanda ang lahat sa mga ganitong scenario o ang pag-‘expect the worst.’