Yedda Marie K. Romualdez

Mga babaeng mambabatas  nagsagawa ng fundraising exhibition

187 Views

ISANG fundraising art exhibition ang inilungsad ng Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI), na pinamumunuan ni Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez sa Kamara de Representantes.

Tampok sa tatlong araw na fundraising activity ang gold art paintings ng tanyag na international South Korean artist na si Kim IL Tae.

Ang exhibition, na may titulong “Korea Presents Gold Art Paintings in the Philippines” ay matatagpuan sa north wing ng main building ng Kamara. Ang AWLFI at HAEJU Investments ang host ng event.

Dumalo sa pagbubukas ng exhibit noong Lunes, Mayo 8, sina AWLFI chairperson Rep. Romualdez, pangulo nitong si Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica, at iba pang opisyal.

Binasa ni House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang mensahe ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na ang Kamara ay kampeon ng sining sa lebel ng polisiya at kinikilala ito bilang mahalagang bahagi ng lipunan.

“Many House members are themselves patrons of art in all its forms. Today, we are privileged to host a truly a one-of-a-kind form of visual art: paintings using gold as the medium,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Rare and beautiful paintings are by themselves already valuable. That the paintings we host today are done in gold make these works of art even more precious. However, I daresay that the true value of these paintings comes from the fact that these paintings are displayed and offered for a charitable cause,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez na kinikilala at sinusuportahan ng Kamara ang pagpapa-unlad ng sining na isang malaking bahagi ng lipunan.

Hinikayat ni Speaker Romualdez ang lahat na dumalaw sa exhibition at humanga sa craftsmanship na ginamit sa bawat masterpiece.

Nagpasalamat si Speaker Romualdez sa AWLFI at South Korean government sa pagkakataong ibinigay nito sa Kamara na maitanghal ang mga obra.