Opisyal

Mga bagong halal na opisyal ng SMMPC nanumpa sa harap ni Bucor Director General Catapang

Edd Reyes Aug 6, 2026
160 Views

NANUMPA sa harap ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang, Jr. ang mga bagong halal na opisyal ng Southern Metro Manila Press Club (SMMPC) sa simpleng seremonyang idinaos sa tanggapan ng ahensiya sa New Bilibid Prison Reservation sa Muntilupa City Huwebes ng umaga.

Kabilang sa mga nanumpang opisyal (mula sa kaliwa sa tabi ni Catapang) sina Tony Gildo bilang Pangulo, Treasurer Nino Aclan, Auditor Jojo Sadiwa, Chairman of the Board Edd Reyes, mga miyembro ng Board of Directors na sina Cesar Morales, Tanie Capiral, Danilo Bacolod, Joseph Muego, Dave Medina, Sara Mae Guillermo, Jayson Drew at Avito Dalan.

Hindi nakarating sa seremonya ang nahalal na Bise Presidente AJ Ignacio, pati na ang Secretary na si Dhel Nazario, at Directors na sina Beth Camia Julian at Justin Gildo.