Garbin

Mga botante, hindi resulta ng survey, magdedesisyon sa Cha-cha

131 Views

HINDI umano ang resulta ng survey kundi ang botante ang magdedesisyon sa isang plebisito kung aamyendahan ba ang Konstitusyon ng bansa o hindi.

Ito ang sinabi ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin bilang sagot sa tanong kaugnay ng resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan nakararaming Pilipino ang nagsabi na hindi umano napapanahon na amyendahan ang Saligang Batas.

“The Pulse Asia Survey results about the awareness and knowledge of Filipino adult voters about charter change prove that the approach adopted in the Resolution of Both Houses No. 7 is appropriate,” ani Garbin.

“Concerns about the timing can be addressed in the coming weeks and months,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Garbin na magdodoble-kayod ang Ako Bicol upang ipaalam sa publiko ang kahalagahan na maamyendahan ang Konstitusyon sa lalong madaling panahon.

“Citizens will have the time to have their say during their public consultations and when they vote during the plebiscite, not through a survey,” sabi ni Garbin.

“Our point is to allow voters to vote on the issues. Voters, at the very least, deserve that,” wika pa nito. “We do not want to keep passing on this economic problem to future administrations. That is irresponsible.”

Ang responsable umanong gawin ay resolbahin na ang isyu ngayon at hayaan ang mga botante na magdesisyon kung pabor o hindi ang mga ito sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Voters know that they elected Members of Congress to work on the details of laws and provisions of the Constitution, including how to properly open ownership of public utilities, sectors of education, and media,” saad pa ni Garbin.

“I have faith that Congress has and will continue to enact laws with the national and public interest in mind,” dagdag pa nito.