Chosen

Mga dating ‘PBB Housemates,’ tampok sa bagong hybrid narrative-reality show ng PIE Channel

Eugene Asis Sep 23, 2022
180 Views

MelaiMelai1

MAS mabubusog ang viewers ng PIE (Pinoy Interactive Entertainment) Channel sa mga inihandang bagong programa para sa ikaapat na monthsary nito kabilang na ang isang hybrid narrative-reality show na host at aktor si Melai Cantiveros simula ngayong Sabado (Setyembre 24, 8 pm).

Chosen1

Sa “The Chosen One: Ang Piliserye ng Bayan,” nasa kamay ng PIE viewers ang kapalaran ng mga karakter sa kwento dahil sila ang magpapasya kung sino ang mabubuhay o matsutsugi sa pamamagitan ng botohan. Limang maswerteng Philippine-based voters ang mananalo ng P1,000 kada linggo na mapipili via randomizer.

Para sa pilot ng “The Chosen One,” tampok nito ang campy thriller series na “Soap Opera” na susundan ang kwento ni Charlie (Kaila Estrada), isang dalagang sasabak sa isang networking group na Astra Nuevo kung saan bossing si Miss Jane (Melai). Sa Astra Nuevo, makikilala ni Charlie ang 10 taong tulad niya ay nangangarap ding makaahon sa hirap. Pero imbes na ginhawa, nalagay sa alanganin ang kanilang mga buhay.

Magsisilbing players o ang mga karakter na pagbobotohan ng PIE viewers ang dating “PBB” housemates na sina Andi Abaya (Rachel), Amanda Zamora (Julie), Dustin Mayores (Jason), Gabb Skribikin (Cheska), Kobie Brown (Peter), Luke Alford (Kiko), Maxine Trinidad (Emma), Rob Blackburn (Joe), Seham Daghlas (Paula), at Zach Guerrero (Mike).

Jhong

Tuwing Sabado (8 hanggang 10 pm), magpapalabas ang “The Chosen One” ng live episodes ng “Soap Opera” at pagkatapos nito, magbibigay ng komento si Melai kasama ang ‘chosen mentor’ na si Jhong Hilario. Malalaman din ng viewers ang standing ng bawat player base sa audience votes.

Bukod sa “The Chosen One,” may bagong shows at PIE jocks din para umapaw ang saya araw-araw. Nariyan sina Gretchen Fullido, Abby Trinidad, Frances Cabatuando, Mayor TV, Tristan Ramirez (Lunes hanggang Sabado) Madam Inutz, Migs Bustos, at Nicole Cordovez (Linggo) sa BRGY PIESILOG; Janine Berdin at Raco Ruiz sa PIEBORITO (Lunes hanggang Linggo); Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado), Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani, at Vivoree (Linggo) sa PIEGALINGAN; Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga (Linggo) sa PIENALO; at sina Aaron Maniego, Karen Bordador, Renee Dominique (Lunes hanggang Biyernes), Elmo Magalona, at Vivoree (Linggo) sa PIE Night Long.

Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan pwedeng sumali at manalo ng cash prizes ang araw-araw.