Calendar
Mga Duterte ‘pekeng oposisyon’
๐ก๐๐ก๐๐ก๐๐ช๐๐๐ ๐๐ถ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ฎ๐ผ๐๐น ๐๐ฎ๐ป๐ป๐ถ๐ฒ๐น ๐. ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐น ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐๐ถ๐ป ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐๐๐ฒ๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐๐๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฑ๐๐ด๐ผ๐ป๐ด “๐๐ฎ๐ฟ ๐ผ๐ป ๐ฑ๐ฟ๐๐ด๐” ๐ฎ๐ ๐ฒ๐ ๐๐ฟ๐ฎ-๐ท๐๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ธ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ป๐ด๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ป๐ผ๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐บ๐ถ๐ป๐ผ ๐ป๐ถ ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฅ๐ผ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ด๐ผ ๐ฅ๐ผ๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ.
Ito ang reaction ni Manuel matapos lumutang ang mga balitang balak ng isa sa mga anak ni dating Pangulong Duterte na kumandidatong senador sa darating na 2025 mid-term elections.
Pinaghahandaan na umano ng pamilya Duterte ang pagtakbo ni Davao City Mayor Baste Duterte bilang Pangulo sa 2028 Presidential elections.
Si Vice-President Inday Sara Duterte naman ay posibleng bumalik at kumandidatong mayor ng Davao City.
“Ang sigurado tayo sa ngayon ay kung mayroon man tatakbo na Duterte sa darating na 2025 mid-term elections ang layunin lamang nila ay gamitin ang Senado para magtago sa kanilang pananagutan kaugnay sa madugong war on drugs kung saan napakaraming inosenteng sibilyan ang napatay,” sabi ni Manuel.
“Hindi tayo sigurado kung totoo at final na ang binabanggit na political plans ng mga Duterte dahil ilang beses narin napatunayan na pinaglalaruan lamang nila ang political system ng bansa sa pamamagitan ng kanilang papalit-palit na candidacy announcement,” dagdag pa ni Manuel
Ayon kay Manuel, posibleng ginawa ni VP Inday Sara ang pagkalas sa Gabinete ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. upang makapaghanda ang kanilang pamilya sa pagiging “pekeng oposisyon” umano laban sa pamilya Marcos sa darating na 2025.
“Nagbitiw si VP Sara bilang DepEd Secretary at Cabinet member para lubos na makapaghanda ang pamilya Duterte sa pagiging pekeng oposisyon sa pamilya Marcos para sa halalan sa 2025,” ayon pa kay Manuel.