Calendar

Mga estudyante pinag iingat matapos mahukay bomba sa Tarlac
TARLAC CITY–Pinag iingat ni Mayor Cristy Angeles ang mga estudyante dito matapos makahukay ng 498 na bomba malapit sa eskuwelahan sa Brgy. Sapang Tagalog.
Sinabi ni Tarlac City administrator Atty. Joselito Castro na pinag aaralan nila Mayor Angeles kung hindi muna papapasukin ang mga estudyante bunga ng peligro dahil sa bomba na sinasabing posibleng “active at dangerous” pa.
Ang mga bomba aksidenteng nahukay ng isang laborer matapos makatama ng metal object sa ilalim ng kalsada na kanilang neri-repair.
Agad namang sumaklolo ang mga bomb experts sa army at PNP hanggang sa makapag ahon sila ng 498 bomba noong Sabado.
Una munang nahukay ang 178 na bomba pero nung i- detect ng mga Army at pulis ang kapaligiran nakahukay pa ng 320 na bomba.
Ayon kay Castro, pinaniniwalaang garrison ng mga Japanese soldiers noong World War 2 ang pinaghukayan ng mga bomba.