Leni

Mga financier nag-atrasan na sa mga ‘kakampink’

Nelo Javier Mar 23, 2022
280 Views

NAKUMPIRMA na nag-atrasan na ang mga financier ni Leni Robredo matapos kumalat sa mga social media ngayon ang pangangalap ng pera ng kampo nito para mapondohan ang kanilang campaign rally.

Ayon sa post sa social media, nanghihingi ng donasyon ang mga “kakampink” para pondohan ang nalalalapit na grand rally ni Robredo sa CAMANAVA area sa March 26 kasama pa ang mga bank account na pwedeng pagpadalhan ng mga donasyon.

Pero hindi naman ito nakaligtas sa mga netizen na agad binanatan ang pangangalap ng pondo ng mga kampon ni Robredo.

“Totoong nilayasan na ng mga financiers ang kakampinks. Kailangan nila ng pambayad sa mga buses, special effects technicians, sa mga banda at artista, venue coordinators at professional fillers. Isama mo na rin yung balloons at decorations,” ayon sa isang netizen.
Maging ang ilang taga-suporta ni Robredo tila umamin na kulang na sila ng pondo.

“Meanwhile, organizers of rally in Caloocan are scrambling for funds. Pasig rally was impressive but it only solidified VP Leni’s base. VP Leni’s campaign has the momentum but it’s slowly becoming an echo chamber,” ayon sa isang netizen na si Jarren Repedro na kilalang supporter ni Leni.

Kamakailan ay napaulat na nag-atrasan umano ang mga financier ni Robredo matapos mismong ang PDP-Laban party ng Pangulong Duterte ang nag-endorso sa nangungunang presidential candidate na si Ferdinand ‘Bongbong Marcos, Jr.

“Tama yung report sa mga dyaryo at social media. Uwian na, may nanalo!,” anang isang political analyst na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Sinabi nitong asahan sa mga susunod araw ay mananamlay ang kampanya ng mga kalaban ni Marcos dahil unti-unti ay mauubusan na sila ng bala.

“Wala na iyan, tapos na ang boksing dahil sure win na si BBM,” sabi pa niya.

Idinagdag nitong ngayong pa lang ay wala nang planong magbigay ng pondo ang ilang financiers sa mga kulelat na presidentiables dahil kahit anong paninira at paggawa ng fake news laban kay BBM, hindi ito natitinag sa pagiging number 1.

Ang masaklap pa, hindi lang basta number 1 sa rankings kundi malayong nakasunod sa kanya ang number 2 na katulad ni Robredo.

Kung matatandaan, mismong mga political vlogger ang nagpiyesta sa social media nang talakayin ang isang newspaper report na marami nang financiers ni Robredo ang ayaw nang magbigay ng pondo sa kanya.

Ang nagbibigay na lamang ngayon para tustusan ang kampanya ni Robredo ay mga oligarch na mula’t mula ay anti-Marcos o mga multi-millionaire na nakinabang matapos ang Edsa People Power 1.