BSKE

Mga guro tatanggap ng P10k honoraria sa BSKE

181 Views

INANUNSYO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtataas ng honoraria na matatanggap ng mga guro na magsisilbing board of election inspectors (BEI) sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon sa Comelec gagawin ng P8,000, P9,000 at P10,000 ang honoraria mula sa dating P4,000, P5,000 at P6,000 sa mga nagdaang BSKE.

Ang bawat presinto ay mayroong tatlong BEI—isang chairperson at dalawang miyembro.