roque Makikita sa larawan (mula kanan) sina Isabela Gov. Rodito Albano, former Gov. Jun Dy, senatorial candidate Mark Villar, Lakas-CMD vice presidential bet, Davao City Mayor Sara Duterte, senatorial aspirants Harry Roque and Gilbert Teodoro, Lakas-CMD President and House Majority Leader Martin Romualdez, House Speaker Lord Alan Velasco sa campaign rally na dinaluhan ng mga libong taga-suporta sa Queen Isabela park sa Ilagan City, Isabela. Kuha ni VER NOVENO

Mga kandidato hinamong pakinggan panawagan na magkaisa

531 Views

Nanawagan si House Majority Leader at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) president Martin Romualdez sa mga kandidato at iba’t ibang political party na dinggin ang panawagan ng sambayanan na magkaisa.

Kasama si Romualdez sa UniTeam nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte na nananawagan ng pagsasama-sama upang muling makabangon ang bansa mula sa pagkakalugmok na dulot ng pandemya.

“Sa tingin ko nakikinig lahat sa mensahe ng UniTeam na basta sama-sama babangon tayo. Kaya itong UniTeam, ‘yong mensahe na magkaisa na tayo ay napakaganda, ‘yong opportunity na lahat talaga kesyo partido man o taong-bayan,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez ang gusto ng taumbayan ay “magkaisa na tayo” upang umunlad ang buhay ng mga Pilipino.

Welcome umano ang lahat na gustong tumugon sa panawagang ito.

Sumama si Romualdez sa kampanya ng UniTeam sa Cagayan at Isabela at nasaksihan nito ang napakainit na pagsuporta kina Marcos at Duterte.

“So far, Solid North talaga ito. Napakainit ang pagtanggap kahapon (Monday). Napakasaya ni BBM. Sinabi niyang masayang-masaya siya at nakabalik siya sa Norte,” dagdag pa ni Romualdez na kinatawan ng Leyte.