Calendar
Mga kaso ng leptos sa Maynila itinuturing ng epidemya
ITINUTURING ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na isa ng epidemya sa Maynila ang leptospirosis bunga ng paglagpas nito sa ng bilang ng dami ng mga naita tinatamaan nito sa “epidemiologic threshold bunga ng mga naitalang bagong kaso ng naturang sakit.
Sa kanyang ulat kay Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso Lunes ng umaga, sinabi ni Manila OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla na nasa “epidemic condition” na ang pagkalat ng leptospirosis sa lungsod.
Sinabi ni Dra. Padilla na batay sa kanilang datos sa Manila Health Department (MHD), mula sa 1.27% attack rate noong nakaraang linggo, pumalo na ito ngayon sa 3.48%, indikasyon ng mabilis na pagtaas ng kaso sa loob ng maikling panahon.
Dagdag pa niya, nasa full capacity na ang ilang city government district hospitals, kabilang ang Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos General Hospital dahil sa patuloy na pagdami ng mga pasyente.
Sa kanya namang direktiba matapos matanggap ang ulat, kaagad na inatasan ni Mayor Domagoso ang mga ahensya ng Pamahalaang Lungsod na paigtingin ang patuloy na isinasagawang kampanya laban sa leptospirosis.
Kabilang dito ang agresibong public information campaign upang maipaalam na mayroong libreng doxycycline capsules sa lahat ng 44 health centers at pitong district hospital sa ilalim ng Pamahalaang Lungsod.
Binigyang diin ni Domagoso, mabuti nang mismong Pamahalaang Lungsod , sa pamamagitan ng MHD at 896 barangay, ang pumunta sa taumbayan upang mamahagi ng doxycycline sa mga naapektuhan ng pagbaha sa mga nakaraang linggo.

