Malaysia

Mga na-repatriate na Pinoys balik-PH na

Jun I Legaspi Jun 28, 2026
56 Views

DUMATING sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang 11 Pilipino mula sa Kota Kinabalu, Malaysia noong Hunyo 16 sakay ng AirAsia.

Sa paunang panayam, lumabas na anim sa kanila ang umalis sa bansa a pamamagitan ng backdoor o irregular migration corridor na nilalampasan ang tamang proseso bago maghanap ng trabaho sa Malaysia.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga repatriates ay nagtrabaho sa konstruksyon, mekanikal, at maritime, habang isang babae naman ang na-recruit bilang entertainer.

Karamihan ay nag-ulat na hindi sila nakatanggap ng sahod sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Binanggit ni Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na ang insidente ay nagpapakita ng panganib na kinakaharap ng mga Pilipino na umaalis sa bansa sa pamamagitan ng backdoor routes upang maghanap ng trabaho sa ibang bansa.

“Patuloy na nililinlang ng mga mapagsamantalang recruiter ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pangakong trabaho sa ibang bansa habang hinihikayat silang iwasan ang legal na proseso ng pag-alis,” sabi ni Viado.