Calendar
Pananagutan ng magulang sa juvenile justice law susuriin ng panel ni Tulfo
SUSURIIN ng komite ni Senador Erwin Tulfo kung paano ipinatutupad ang pananagutan ng mga magulang sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act bilang bahagi ng mas malawak na pagrepaso sa implementasyon ng batas kasunod ng mga insidenteng kinasasangkutan ng mga menor de edad.
Sinabi ni Tulfo na kukuha ang panel ng pananaw mula sa mga eksperto sa batas, law enforcement, social welfare groups, simbahan, medical professionals at mga magulang habang nirerepaso ang pagpapatupad ng Republic Act 9344.
Isasagawa ang review matapos ang mga kamakailang insidenteng kinasasangkutan ng mga menor de edad, kabilang ang Tacloban shootout at mga stabbing incident sa Negros Occidental at Cavite.
Ang Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, na pinamumunuan ni Tulfo, ang magsasagawa ng pagrepaso sa RA 9344, o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
Ayon kay Tulfo, titingnan ng komite kung paano ipinatutupad ang pananagutan ng mga magulang, kasama ang kakulangan ng gumaganang Bahay Pag-asa facilities at ang pagpapatupad ng intervention programs para sa children in conflict with the law at children at risk.
“Is the age threshold on criminal liability still realistic given the signs of the times? Are parents of these CICLs being held accountable enough? Are the rehabilitation facilities even existing, let alone working?” sabi ni Tulfo.
Sinabi ni Tulfo na ilang ulit na niyang ipinaabot ang kanyang pangamba sa tinawag niyang mga puwang sa praktikal na pagpapatupad ng juvenile justice law.
“I have repeatedly raised the alarm about the implementation of this law because on a practical sense, there are really glaring gaps in its implementation,” ani Tulfo.
Ayon sa senador, layunin ng pagrepaso na suriin ang enforcement mechanisms habang binabalanse ang katarungan para sa mga biktima at rehabilitasyon para sa mga menor de edad.
“This review will cover all bases. We are actively getting insights from law experts, law enforcement, social welfare groups, the church, medical professionals, and parents themselves. We need every perspective on the table because we are not just looking at the fine print of the law—we are fixing a broken reality on the ground,” ani Tulfo.

