Tingog1

Mga nassalanta ni Enteng agad sinaklolohan ng Tingog Partylist, Speaker’s office

Mar Rodriguez Sep 6, 2024
93 Views

AGAD na sumaklolo ang Tingog Partylist sa pangunguna ni Rep. Yedda Romualdez at tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga nasalanta ng bagyong Enteng sa Antipolo at San Mateo sa lalawigan ng Rizal.

Noong Setyembre 3 hinatiran ng tulong ni Tingog Rep. Jude Acidre ang 232 pamilya na inilikas sa San Isidro covered court, at 119 pamilya sa Muntindilaw covered court, Antipolo City.

Namahagi rin ng relief packs sa 329 pamilya sa iba’t ibang mga barangay sa unang distrito ng Rizal sa pakikipag-ugnayan ni Rep. Robbie Puno.

“Tingog Partylist and Speaker Martin Romualdez are dedicated to providing immediate assistance and support, especially during times of crisis like this,” ayon kay Acidre.

Binigyan diin naman ni Rep. Yedda Romualdez ang kahalagahan na agad maabutan ng tulong ang mga nasalanta.

“Our priority is to ensure that those affected by Typhoon Enteng receive the help they need swiftly and effectively,” ani Rep. Yedda Romualdez.

Nakapagbigay din ng tulong sa 1,200 pamilya sa barangay Malanday, Ampid Dos, at Banaba sa San Mateo Rizal

Tumanggap rin ng karagdagang relief packs ang 935 pamilya mula sa iba pang barangay sa San Mateo ngayong Setyembre 4, 2024 sa pakikipagtulungan kay Rizal 3rd District Rep. Jojo Garcia.

Sa tulong naman ni Rizal 2nd District Rep. Emigdio Tanjuatco ay nakapagbigay ng tulong sa may 50 pamilya sa Barangay Tandang Kutyo, na lumikas sa Ilaya Elementary School, at sa 785 pamilya mula sa iba’t ibang barangay sa Tanay, Rizal.

Pinuri ni Rep. Yedda Romualdez ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa pagtugon at suporta sa mga biktima ng sakuna, kung saan umabot na sa kabuuang 18,250 indibidwal ang nakatanggap ng mga relief packs mula nang magsimula ang pamamahagi ng tulong.

“The efforts of our Tingog Volunteers in repacking relief goods for Typhoon Enteng victims demonstrate commendable compassion and dedication to service from the Filipino Youth,” saad pa nito.

Nangako ang Tingog Partylist na ipagpapatuloy ang suporta at pagbibigay ng tulong sa lahat ng naapektuhang pamilya sa gitna ng mga hamong kinakaharap na dulot ng sakuna.