Calendar
Mga opisyal ng Catigbian dumalaw kay Yorme Isko
MALUGOD ang naging pagtanggap ni Mayor Isko Moreno sa pagbisita sa kanyang tanggapan sa Manila City Hall ng mga opisyal ng isang bayan sa lalawigan ng Bohol na matagal na niyang naging kaibigan Huwebes ng umaga.
Kasama ni Catigbian, Bohol Mayor Benjie Oliva ang mga miyembro ng Municipal Council, pati na rin ang Director ng Muslim Affairs Office na si Samira Gutoc, nang magtungo sila sa tanggapan ng alkalde bago magtanghalian.
Ibinahagi ni Mayor Oliva ang plano nilang magtatag din ng isang Pamantasan sa kanilang bayan sa Catigbian na kahalintulad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila na parehong pagmamay-ari at pinangangasiwaan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Nasiyahan naman si Mayor Isko sa plano ng kaibigang alkalde na aniya ay malaking tulong sa mga taga-Bohol dahil magkakaroon na ang mga estudyante na mapapasukang unibersidad ng walang babayarang matrikula
Nagpasalamat din si Mayor Isko kay Mayor Catigbian, sa buong konseho ng bayan, at kay Director Samira sa kanilang pagbibigay ng panahon na makabisita sa kanyang tanggapan.
Sinabi ng alkalde na kung ano man ang maipagkakaloob niyang tulong, ideya, at payo, ay kanya itong ibabahagi sa kaibigan para maging matagumpay ang plano nilang pagtatayo ng unibersidad para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga kababayan.

