Calendar
Source: File SAF photo
Nakatanggap din ng bomb threat ang Silanganan Elementary School sa Bagong Silang.
Kuha ni EDD REYES
Mga paaralan sa Caloocan binulabog ng bomb threats
INIUTOS ni Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan ang suspensiyon ng klase sa pribado at pampublikong paaralan sa lahat ng antas, makaraan ang sunod-sunod na bomb threat na natanggap ng mga paaralan araw ng Miyerkules sa North at South Caloocan.
Maging ang gusali ng Caloocan City Hall ay nakatanggap din ng pagbabanta hinggil sa nakatanim umanong bomba kaya’t nagpasiya ang alkalde na suspendihin na rin ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Kaagad namang nagresponde ang mga tauhan ng Caloocan Police at Northern Police District (NPD) Bomb Disposal Unit at Special Weapon and Tactics Team sa mga paaralang nakatanggap na bomb threat, pati na sa gusali ng city hall.
Inatasan din ng alkalde ang lokal na kapulisan na kaagad mag-deploy ng kanilang mga tauhan at gawin ang mga nararapat na hakbang upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng estudyante at mga kawani.

