Martin2

Mga Pilipino pinasalamatan ni Speaker Romualdez sa mataas na rating

Mar Rodriguez Oct 12, 2023
194 Views

PINASALAMATAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino sa patuloy na pagbibigay ng mataas na kumpiyansa sa trabahong ginagawa ng Mababang Kapulungan batay sa resulta ng Pulso ng Pilipino tracking survey.

“I am mighty humbled by the feedback of our kababayans on the work that the House has produced the past few weeks. We in the House will show our gratitude to Filipinos by working at an even higher pace to close out the year,” saad sa pahayag ni Speaker Romualdez

“Wala po kaming balak tumigil sa pagtatrabaho upang makamit natin ang inaasam na magandang bukas. We are hyperfocused on completing the legislative master plan of President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr., no matter the extraneous noise that come our way,” dagdag ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte.

Ang pahayag ni Romualdez ay tugon nito sa resulta ng Pulso ng Pilipino tracking survey ng The Issues and Advocacy Center (The CENTER) na isinagawa noong Setyembre 23 hanggang 30.

Ang net satisfaction rating ni Speaker Romualdez para sa ikatlong quarter ng 2023 ay naitala sa 60% (70% satisfied, 10% dissatisfied), mas mataas ng 5 porsyento kumpara sa nakuha nito noong ikalawang quarter.

“This is also the highest performance rating posted by an incumbent Speaker in the history of the Lower House,” saad ng The CENTER.

Tinukoy rin ng The CENTER ang malaking ambag ni Speaker Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri sa pamumuno ng Kamara at Senado para suportahan ang legislative agenda ng administrasyon.

Sakop ng naturang survey ang panahon na pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pag-basa ang P5.768-trillion General Appropriations Bill (GAB) o ang panukalang pambansang pondo para sa taong 2024 noong Setyembre 27.

Sa kaparehong araw ay inanunsyo ni Speaker Romualdez na natapos at naipasa na ng Kamara ang lahat ng 20 Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority bills na target tapusin ng dalawang Kapulungan sa Disyembre 2023.

Ibig sabihin, tatlong buwan itong mas maaga kaysa sa napagkasunduang deadline.

Bagamat may limang linggong break ang sesyon, pinahintulutan ng liderato ng Kamara ang pagsasagawa ng mga komite ng pagdinig at briefing patungkol sa mga mahahalagang isyu at panukala.