Mga Pinoy aprub sa tugon ng Marcos admin sa COVID-19

226 Views

APRUB sa nakararaming Pilipino ang mga hakbang na ginawa ng Marcos administration upang hindi kumalat ang COVID-19 pandemic, ayon sa survey ng OCTA Research.

Batay sa resulta ng TUGON NG MASA (TNM) Fourth Quarter 2022 Survey Results, 92 porsyento ang pabor o mahigit 9 sa bawat 10 Pilipino ang pabor sa mga hakbang ng Marcos administration kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Ang approval rating na ito ay mas mataas ng 10 porsyento kumpara sa resulta ng TNM survey noong Marso 2022.

Isinagawa ang huling survey mula Oktobre 23 hanggang 27. Mayroon itong 1,200 respondents at sampling margin of error na ±3 porsyento.